Tuesday, July 17, 2007
Thursday, March 15, 2007
For the Editorial Angels
After a week of keeping it to myself, I finally got the courage to tell the EDITORIAL ANGELS that I’m leaving them.
It wasn’t easy for me to come up with that decision kasi nga, mahirap iwanan ang trabahong minahal mo na for more than four years.
Pero, mas mahirap iwanan ang mga taong hindi ko na itinuring na iba sa akin. Not just ordinary officemates or friends kundi parang pamilya mo na. E, halos magkapalit-palit na nga ang mga mukha namin dahil kami-kami ang nagkikita 7 days a week including holidays! At kung minsan, mas matagal pa ang oras na inilalagi ko sa office kaysa sa bahay namin!
Naalala ko ‘yung first time na magtagpu-tagpo ang landas ng Angels…
September 2002, nagkita sa guard house sina Fhaye at Karen (Bunso) for our interview nang mag-buzzer ang sopistikada’t sosyal na si Jack. She was looking for Sir Ed, may appointment daw siya.
Then came Glenda, Candy, Wendy and me. At dahil magkaka-batch naman kami (except for Janiz na nauna lang sa amin ng ilang buwan) at madali namang pakisamahan ang isa’t isa, we easily became friends. Haaay…The rest is history na.
I still remember the EDITORIAL ANGEL’S first swimming… Hahaha! Ayaw ko nang idetalye kasi mabubuking ako. That was the start ng annual outing ng ANGELS.
Isa pang ‘di ko makalilimutan, e, ‘yung mga biglaang gimik namin, like sa MUSIC WAREHOUSE malapit sa Central Market (na sarado na ngayon). Si Ka Ambo na daliri lang ang sumasayaw. Si Mars na hindi sumunod dahil naligaw yata. Si Glenda na sumayaw pa sa itaas ng stage kasama ang bokal-ista ng isang band. Heheheh! Ang biglaang yayaan sa Lagro para kumain ng shawarma (Hello?! Quezon Avenue to Lagro para lang sa shawarma?). Ang mga “out of town” (sa bahay ni Tita Alice sa Fairview o sa bahay nina Janiz) na isang beses pa lang nakasama si Ate Eva dahil walang lotto nu’n (Mahal na Araw yata). Ang paminsan-minsang “kaladkaran” sa Jollibee, Max’s, McDo atbp.. Mami-miss ko rin ang pagtawag sa delivery service ng iba’t ibang fastfood dahil ako ang official taga-order, tagasingil at taga-distribute ng order namin (Kilala na nga yata ako ng mga fastfood delivery boys, e!) Hehehehe! Si Michelle na nakatampuhan ko dahil sa suman (opo, suman). Ang adobo at dinuguan ni Ate Eva. Si Bunso na kasabay kong umuwi. Si Sir Jun na Men In Black (dahil maitim siya). Labyu Sir Jun!) Si Sir Ed na ‘di napapagod maglinis ng kanyang computer table. (Get well soon!) Sina Jack at Anne na napakalaki ng partisipasyon sa Christmas party namin noong 2005 (dumaan lang po sila habang nagsasayaw ‘yung iba).
‘Yang mga ANGELS, adik sa picture ‘yan! Makahawak lang ng camera, pose rito, pose ru’n na ang gagawin, ultimo CR, hindi patatawarin ng mga ‘yan (sila lang kasi usually photographer ang lola n’yo).
Hay…memories…
ANGELS, thanks for understanding and accepting me, ‘yung totoong ako. Sabi naman sa inyo, masungit lang ako, pero iyakin at alam kong alam na alam n’yo na ‘yun. Sa tinagal-tagal ng pagsasama natin, ‘pag ‘di n’yo pa alam, ewan ko na lang.
You’ve been there for me during the ups and downs of my life, be it with my career, personal and family life. Sad to say but it’s time for me to leave you, ANGELS. You will always have a special place in my heart.
"Don’t be dismayed at good byes. A farewell is necessary before we can meet again and meeting again, after moments or a lifetime, is certain for those who are friends."
Sunday, February 18, 2007
Valentine 2007

Haaayyy...
Anyway, the show was great. Nag-enjoy kami sa mga performances nina Jo Awayan, Tuesday Vargas and Manny "Pooh"quiao. At ang the height ng performance nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista, nu'ng kantahin nila ang The Prayer nina Andrea Bocelli at Celine Dion! (Kainis, bakit ba hindi man lang ako naambunan ng boses nila?)
Indeed, it was really A Valentine to Remember!
Saturday, February 03, 2007
Ikaw, Mahal Ko?
Masaya kahit magulo
Pero nu’ng dumating ka
Nagkawindang-windang na.
Naging close tayo, naging magkaibigan
Okey lang, tutal kaibigan lang naman e
Wala namang masama ‘di ba?
Kaso nag-iba ang ihip ng hangin.
Nang minsan nag-usap tayo,
Sinabi mong mahal mo ako.
E, para ka palang luku-luko.
Alam mong ‘di puwede, ganu’n pa hirit mo.
Sabi ko sa sarili ko, ‘di puwede,
May mahal ako, may mahal kang iba,
Pero may pagkakapareho tayo,
Malayo sa atin ‘yung mga mahal natin.
Sabi ko pa, ‘di kita mamahalin,
‘Di mo ko mabobola,
E, kaso isa rin akong tanga,
Nagsimula tuloy ang problema.
Paulit-ulit kong sinasabi,
‘Di kita puwedeng mahalin,
‘Di puwedeng maging tayo,
Kaya kakalimutan ko na ‘yung nararamdaman ko.
May isa lang akong tanong,
Kung wala akong nararamdaman para sa iyo,
Bakit kita iniiyakan?
Ano sa palagay mo?
Saturday, January 20, 2007
'Yan ba ang hitsura ng "kinidnap"?
Anne's farewell party...
Saturday, November 18, 2006
I'm back
Monday, August 21, 2006
For my friends...
And if I should ever go away
Keep smilin', keep shinin'
Well, you came and opened me
Whoa, and then for the times when we're apart
Keep smiling, keep shining
Whoa... oh... oh... keep smilin', keep shinin'
Keep smilin', keep shinin'
On me, for sure
Saturday, August 19, 2006
Kung alam mong...
Kung alam mong wala kang naapakan sa ginagawa mo, ituloy mo lang.
Kung alam mong may mapapala ka sa mga payo nila, makinig ka.
Kung alam mong mali ang sinasabi at ginagawa nila, itama mo.
Kung alam mong masaya ka sa mga kaibigan mo, 'wag mo silang hayaang mawala.
Kung alam mong nagkulang ka sa mga mahal mo sa buhay, punan mo ang mga pagkukulang na 'yun.
Kung alam mong bawal, 'wag kang pasaway!
Kung sa tingin mo, walang kuwenta ang mga isinulat ko, nasa sa iyo 'yun!
Friday, June 09, 2006
Should I tell my friend everything?

Kailangan ko bang sabihin ang lahat ng sikreto ko sa aking best friend? Hmmm...Naalala ko tuloy ang kasabihang "Your best friend can be your worst enemy." Napaisip tuloy ako. If I tell everything about me sa best friend ko at dumating 'yung time na mag-away kami, chances are, she can use everything she knows against me. Tama, devah? Well, not all friends are "true friends" in the real sense of the word. Isa pa, may mga bagay na hindi ko kayang sabihin kahit sa best friend ko pa. There are also things that I like to keep to myself. It's not that I don't trust a friend or anything pero minsan, mas gusto ko pang ilihim na lang ang ibang bagay sa kanya. Kung ayaw ko man magsalita ngayon, alam ko, maiintindihan niya ako, kaibigan ko siya, e! Kilala niya ako at nirerespeto niya ang desisyon kong manahimik muna...
Tuesday, June 06, 2006
Words to ponder
They become your words.
Be watchful of your words,
They become your actions.
Be watchful of your actions,
They become your habit.
Be watchful of your character,
They become your destiny.
Monday, June 05, 2006
I Honestly Love You
I'm not trying to make you feel uncomfortable
