Saturday, January 20, 2007

'Yan ba ang hitsura ng "kinidnap"?

DAHIL 'di natuloy ang plano naming pag-akyat sa Bataan, sa Montalban na lang kami nagpunta last Sunday, January 14. As usual, kasama ko ang mag-asawang kidnaper (kidnaper dahil tututukan ka talaga nila para sumama ka) at for the first time, kasama na namin si Gem! Yipeee!

Pag-akyat pa lang, mapi-feel mo na talaga 'yung lamig. Umakyat kami ru'n sa tuktok at nagpakuha ng pictures. Kaya lang, sa sobrang lamig at malapit na ring gumabi, sandali lang ang picture-taking.

At first, mapilit pa si Gem na bumaba sa may falls. Hello? Nuknukan kaya ng lamig at 'di kakayanin ng powers ko, 'noh?! Isa pa, dalawang oras ang uubusin mo sa pagbaba ru'n at dalawang oras na naman para makabalik ka sa bahay. Maybe next time, 'pag 'di na kidnap ang ginawa sa akin nina Lanie at Erik at nakapag-ready ako ng swimsuit ko...hahahaha...

Kahit masarap matulog, hindi puwedeng tanghaliin sa pagbaba dahil may pasok ako sa office. As usual, ako na naman ang dahilan kung bakit kailangan nilang bumaba agad kahit gusto pa nilang mag-stay. Nakakahiya man sa kanila, hindi pa rin ako pumayag. Nakidnap na nga ako, male-late pa 'ko sa opisina?!

Hopefully, next time, mas matagal kaming mag-stay du'n. (Kelan kaya 'yun?)

Anne's farewell party...

PARANG children's party ang ginawa naming farewell celebration for Anne last January 15, sa bahay nina Janiz. With balloons and party hats, we felt like kids having a birthday party. He!he!he! Wala lang, trip lang namin maging bata...lagi. Well, I can say that it was somehow a way of unwinding from a tiring day. Whew!!!
Anyway, kahit malungkot dahil malalagasan na naman ng isa ang Editorial Angels (ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang umalis si Jack papunta sa Malaysia), I am happy for Anne na rin.
As for the rest of the gals, sino naman kaya sa atin ang susunod na bibigyan ng farewell party? At sino kaya ang magbibigay ng farewell party sa maiiwan? He!he!he!