After a week of keeping it to myself, I finally got the courage to tell the EDITORIAL ANGELS that I’m leaving them.
It wasn’t easy for me to come up with that decision kasi nga, mahirap iwanan ang trabahong minahal mo na for more than four years.
Pero, mas mahirap iwanan ang mga taong hindi ko na itinuring na iba sa akin. Not just ordinary officemates or friends kundi parang pamilya mo na. E, halos magkapalit-palit na nga ang mga mukha namin dahil kami-kami ang nagkikita 7 days a week including holidays! At kung minsan, mas matagal pa ang oras na inilalagi ko sa office kaysa sa bahay namin!
Naalala ko ‘yung first time na magtagpu-tagpo ang landas ng Angels…
September 2002, nagkita sa guard house sina Fhaye at Karen (Bunso) for our interview nang mag-buzzer ang sopistikada’t sosyal na si Jack. She was looking for Sir Ed, may appointment daw siya.
Then came Glenda, Candy, Wendy and me. At dahil magkaka-batch naman kami (except for Janiz na nauna lang sa amin ng ilang buwan) at madali namang pakisamahan ang isa’t isa, we easily became friends. Haaay…The rest is history na.
I still remember the EDITORIAL ANGEL’S first swimming… Hahaha! Ayaw ko nang idetalye kasi mabubuking ako. That was the start ng annual outing ng ANGELS.
Isa pang ‘di ko makalilimutan, e, ‘yung mga biglaang gimik namin, like sa MUSIC WAREHOUSE malapit sa Central Market (na sarado na ngayon). Si Ka Ambo na daliri lang ang sumasayaw. Si Mars na hindi sumunod dahil naligaw yata. Si Glenda na sumayaw pa sa itaas ng stage kasama ang bokal-ista ng isang band. Heheheh! Ang biglaang yayaan sa Lagro para kumain ng shawarma (Hello?! Quezon Avenue to Lagro para lang sa shawarma?). Ang mga “out of town” (sa bahay ni Tita Alice sa Fairview o sa bahay nina Janiz) na isang beses pa lang nakasama si Ate Eva dahil walang lotto nu’n (Mahal na Araw yata). Ang paminsan-minsang “kaladkaran” sa Jollibee, Max’s, McDo atbp.. Mami-miss ko rin ang pagtawag sa delivery service ng iba’t ibang fastfood dahil ako ang official taga-order, tagasingil at taga-distribute ng order namin (Kilala na nga yata ako ng mga fastfood delivery boys, e!) Hehehehe! Si Michelle na nakatampuhan ko dahil sa suman (opo, suman). Ang adobo at dinuguan ni Ate Eva. Si Bunso na kasabay kong umuwi. Si Sir Jun na Men In Black (dahil maitim siya). Labyu Sir Jun!) Si Sir Ed na ‘di napapagod maglinis ng kanyang computer table. (Get well soon!) Sina Jack at Anne na napakalaki ng partisipasyon sa Christmas party namin noong 2005 (dumaan lang po sila habang nagsasayaw ‘yung iba).
‘Yang mga ANGELS, adik sa picture ‘yan! Makahawak lang ng camera, pose rito, pose ru’n na ang gagawin, ultimo CR, hindi patatawarin ng mga ‘yan (sila lang kasi usually photographer ang lola n’yo).
Hay…memories…
ANGELS, thanks for understanding and accepting me, ‘yung totoong ako. Sabi naman sa inyo, masungit lang ako, pero iyakin at alam kong alam na alam n’yo na ‘yun. Sa tinagal-tagal ng pagsasama natin, ‘pag ‘di n’yo pa alam, ewan ko na lang.
You’ve been there for me during the ups and downs of my life, be it with my career, personal and family life. Sad to say but it’s time for me to leave you, ANGELS. You will always have a special place in my heart.
"Don’t be dismayed at good byes. A farewell is necessary before we can meet again and meeting again, after moments or a lifetime, is certain for those who are friends."