Sunday, September 27, 2009

Next time, wag ka nang magsasabi o mangangako kung hindi mo kayang tuparin. Simple lang naman ang hiling ko, marinig ang boses mo. Ilan buwan na ba ako dito? Ahhh, ayaw ko nang isipin. Sa tuwing mag-uusap magcha-chat tayo, puro na lang pindot sa keyboard ang ginagawa natin. Puwede naman tayong mag-usap pero kung wala diyan ang kaibigan mo, hindi mo maiisip na kausapin ako. Mahirap bang gawin 'yun? Hindi ba puwedeng magkusa ka naman?
'Yun na lang ang kaligayahan ko, marinig ang boses mo at makita ka sa webcam pero parang ipinagkakait mo na. Alam mo, kung nagbago na ang lahat, sabihin mo sa akin, 'wag mo akong gawing tanga. 'Wag mo akong paasahin.

Monday, September 07, 2009

I miss home!

Hindi na naman ako makatulog. I had to drink a glass of wine para lang makaramdam ng antok. After an hour, gising na naman ako. Ilang araw na akong ganito. Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas, nami-miss ko na ang mga pagkaing Pinoy, malls, mga kaibigan at higit sa lahat, ang mga mahal ko sa buhay.
Ilang buwan na rin ako rito. Nakakainip. Nakakabato.
Mahirap talagang mawalay sa mga mahal mo but sometimes you have to sacrifice para na rin sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay ng pamilya mo.
I keep myself busy by watching teleserye over the net o kaya DVD marathon kapag rest day from work. Just like now, I'm watching Entrapment (Sean Connery and Catherine Zeta Jones). Hopefully, makatulog na ako pagkatapos ng movie dahil 9:00 AM na dito at wala pa akong tulog.
;Til my next blog update...

Monday, August 24, 2009

La lang

Bakit ganun? Kung kelan kailangan ko ng makikinig, ayaw mo naman akong pakinggan. Pero sa ibang tao, meron kang shoulder to cry on? Ang sama sama ng loob ko, alam mo ba 'yun?