jeansungit
Thursday, November 04, 2010
Ang labo mong kausap!
Sabi mo, nagbago na ako. Hindi na ako nagkukuwento ng mga nangyayari sa akin. Ngayon naman na nagkukuwento ako, ayaw naman makinig! Ang labo mo namang kausap!
Friday, August 06, 2010
Another day...
I`m going to work with a heavy heart. `Di ko alam, pero tinatamad akong pumasok ngayon. Sigurado dahil natulog akong masama ang loob.
Marami akong iniisip, wala namang gustong makinig. Naisip ko, isusulat ko na lang `yun sama ng loob ko. At least kahit paano, mailalabas ko `yung hinanakit ko at maiibsan `yung pain kahit konti.
They were my friends, `yun ang akala ko. Pero dahil sa maraming twists and turns ng buhay, may mga bagay na nagbago. Oo, masama ang loob ko kasi nasaktan ako sa mga ginawa nila. But still, I`m willing to listen kung kakausapin nila ako. Sabi ko nga, kung iniyakan ko ang misunderstandings natin, ibig sabihin, importanteng tao ka sa buhay ko kasi nasasaktan ako sa ginawa at ginagawa mo.
Minsan na akong nagbaba ng pride just to save the relationship. Pero nakipag-usap ba kayoÉ May sarili akong pag-iisip at hindi ako kailangang diktahan ng iba kung ano ang gagawin ko. I`ve been open and very honest mula sa umpisa. HINDI AKO PLASTIK!
Sana lang, maisip mo na nagkasama tayo ng matagal at mas kilala mo ako kesa sa kanila.
Nasaktan ako nang marinig ko ang bansag sa`yo na ``best friend ng bayan``. BakitÉ Para sa akin, hindi ka nila kilala at hindi ka nila kasama sa bahay para husgahan ng ganu`n. Kung matatandaan mo, paulit ulit kitang pinagsabihan. Ang alam ko, nakinig ka. Ganu`n naman tayo. Masama ang loob ko, hindi ako magsasalita. Magtatanong ka, sasagutin ko.Pero sa paglipas ng mga araw, nagbago ka rin. Paano kita ipagtatanggol sa iba kung sa akin mo na mismo ginagawaÉ Kung tutuusin, wala naman tayong pinag-awayan. Naisip mo bang ang mga taong kasa-kasama mo ngayon ang nagkuwento at nanira sa`yo sa iba, (na alam kong alam mo dahil pareho nila tayong siniraan)É
Alam kong alam mo rin na isa sa mga taong kasama mo ngayon ang nagtraydor sa akin. Maganda siyang ngumiti, parang walang ginawang kasalanan. Sinubukan kong kausapin pero anoÉ. Nadiktahan lang na `wag nang makipag-usap sa akin, `yun nga ang ginawa. Sino ngayon ang walang sariling pag-iisipÉ
Hindi ako mahirap kausap. Marunong akong makinig at magpatawad. Kung gusto n`yo talagang maayos `to, bakit hindi kayo makipag-usapÉ

Sunday, September 27, 2009
Next time, wag ka nang magsasabi o mangangako kung hindi mo kayang tuparin. Simple lang naman ang hiling ko, marinig ang boses mo. Ilan buwan na ba ako dito? Ahhh, ayaw ko nang isipin. Sa tuwing mag-uusap magcha-chat tayo, puro na lang pindot sa keyboard ang ginagawa natin. Puwede naman tayong mag-usap pero kung wala diyan ang kaibigan mo, hindi mo maiisip na kausapin ako. Mahirap bang gawin 'yun? Hindi ba puwedeng magkusa ka naman?
'Yun na lang ang kaligayahan ko, marinig ang boses mo at makita ka sa webcam pero parang ipinagkakait mo na. Alam mo, kung nagbago na ang lahat, sabihin mo sa akin, 'wag mo akong gawing tanga. 'Wag mo akong paasahin.

Monday, September 07, 2009
I miss home!
Hindi na naman ako makatulog. I had to drink a glass of wine para lang makaramdam ng antok. After an hour, gising na naman ako. Ilang araw na akong ganito. Gusto ko nang umuwi ng Pilipinas, nami-miss ko na ang mga pagkaing Pinoy, malls, mga kaibigan at higit sa lahat, ang mga mahal ko sa buhay.
Ilang buwan na rin ako rito. Nakakainip. Nakakabato.
Mahirap talagang mawalay sa mga mahal mo but sometimes you have to sacrifice para na rin sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay ng pamilya mo.
I keep myself busy by watching teleserye over the net o kaya DVD marathon kapag rest day from work. Just like now, I'm watching Entrapment (Sean Connery and Catherine Zeta Jones). Hopefully, makatulog na ako pagkatapos ng movie dahil 9:00 AM na dito at wala pa akong tulog.
;Til my next blog update...

Monday, August 24, 2009
La lang
Bakit ganun? Kung kelan kailangan ko ng makikinig, ayaw mo naman akong pakinggan. Pero sa ibang tao, meron kang shoulder to cry on? Ang sama sama ng loob ko, alam mo ba 'yun?
Monday, February 04, 2008
Bakit ba naniwala ako nu'ng sinabi mong mahal mo ako?
Bakit ba naghintay ako kahit mahirap paniwalaan na babalikan mo pa ako?
Bakit ba nagtiwala ako sa iyo sa mga sinabi mo noon?
In short, bakit ba nagpakatanga ako sa iyo?
Naniwala ako na kasama ako sa binubuo mong mga pangarap
Bumuo rin ako ng sarili kong pangarap na kasama ka
Pinanghawakan ko ang mga salitang binitiwan mo bago ka umalis
Pero lahat 'yun, nag-iba
Nang magkausap tayo, tinanong kita kung mahal mo pa ako
Parang na-sense ko na kasi na mayroon ka nang iba
Walang kagatol-gatol na sumagot ka ng "oo"
Ako naman si tanga, naniwala naman kahit kitang-kita na ang ebidensiya.
Sabi ko naman sa iyo, kung mayroon ka nang iba at ayaw mo na sa akin
Sabihin mo agad, ganu'n din naman 'yun, masasaktan at masasaktan din ako
Mabuti pang minsanan na lang 'yung sakit kesa unti-unti pa
At mas mabuti nang malaman ko nang maaga kesa ililihim mo pa.
Kung noon pa, e, sinabi mo nang ayaw mo na sa akin
'Di sana, 'di ka na nahirapan magtago at magdahilan
'Di sana, 'di na nasayang ang oras kong maghintay sa iyo
At sana, nabawasan na ang mahabang pila ng naghihintay na maghiwalay tayo.

Tuesday, July 17, 2007
Subscribe to:
Posts (Atom)