Tuesday, July 17, 2007

Thursday, March 15, 2007

For the Editorial Angels

After a week of keeping it to myself, I finally got the courage to tell the EDITORIAL ANGELS that I’m leaving them.

It wasn’t easy for me to come up with that decision kasi nga, mahirap iwanan ang trabahong minahal mo na for more than four years.

Pero, mas mahirap iwanan ang mga taong hindi ko na itinuring na iba sa akin. Not just ordinary officemates or friends kundi parang pamilya mo na. E, halos magkapalit-palit na nga ang mga mukha namin dahil kami-kami ang nagkikita 7 days a week including holidays! At kung minsan, mas matagal pa ang oras na inilalagi ko sa office kaysa sa bahay namin!

Naalala ko ‘yung first time na magtagpu-tagpo ang landas ng Angels…

September 2002, nagkita sa guard house sina Fhaye at Karen (Bunso) for our interview nang mag-buzzer ang sopistikada’t sosyal na si Jack. She was looking for Sir Ed, may appointment daw siya.

Then came Glenda, Candy, Wendy and me. At dahil magkaka-batch naman kami (except for Janiz na nauna lang sa amin ng ilang buwan) at madali namang pakisamahan ang isa’t isa, we easily became friends. Haaay…The rest is history na.

I still remember the EDITORIAL ANGEL’S first swimming… Hahaha! Ayaw ko nang idetalye kasi mabubuking ako. That was the start ng annual outing ng ANGELS.

Isa pang ‘di ko makalilimutan, e, ‘yung mga biglaang gimik namin, like sa MUSIC WAREHOUSE malapit sa Central Market (na sarado na ngayon). Si Ka Ambo na daliri lang ang sumasayaw. Si Mars na hindi sumunod dahil naligaw yata. Si Glenda na sumayaw pa sa itaas ng stage kasama ang bokal-ista ng isang band. Heheheh! Ang biglaang yayaan sa Lagro para kumain ng shawarma (Hello?! Quezon Avenue to Lagro para lang sa shawarma?). Ang mga “out of town” (sa bahay ni Tita Alice sa Fairview o sa bahay nina Janiz) na isang beses pa lang nakasama si Ate Eva dahil walang lotto nu’n (Mahal na Araw yata). Ang paminsan-minsang “kaladkaran” sa Jollibee, Max’s, McDo atbp.. Mami-miss ko rin ang pagtawag sa delivery service ng iba’t ibang fastfood dahil ako ang official taga-order, tagasingil at taga-distribute ng order namin (Kilala na nga yata ako ng mga fastfood delivery boys, e!) Hehehehe! Si Michelle na nakatampuhan ko dahil sa suman (opo, suman). Ang adobo at dinuguan ni Ate Eva. Si Bunso na kasabay kong umuwi. Si Sir Jun na Men In Black (dahil maitim siya). Labyu Sir Jun!) Si Sir Ed na ‘di napapagod maglinis ng kanyang computer table. (Get well soon!) Sina Jack at Anne na napakalaki ng partisipasyon sa Christmas party namin noong 2005 (dumaan lang po sila habang nagsasayaw ‘yung iba).

‘Yang mga ANGELS, adik sa picture ‘yan! Makahawak lang ng camera, pose rito, pose ru’n na ang gagawin, ultimo CR, hindi patatawarin ng mga ‘yan (sila lang kasi usually photographer ang lola n’yo).

Hay…memories…

ANGELS, thanks for understanding and accepting me, ‘yung totoong ako. Sabi naman sa inyo, masungit lang ako, pero iyakin at alam kong alam na alam n’yo na ‘yun. Sa tinagal-tagal ng pagsasama natin, ‘pag ‘di n’yo pa alam, ewan ko na lang.

You’ve been there for me during the ups and downs of my life, be it with my career, personal and family life. Sad to say but it’s time for me to leave you, ANGELS. You will always have a special place in my heart.

"Don’t be dismayed at good byes. A farewell is necessary before we can meet again and meeting again, after moments or a lifetime, is certain for those who are friends."

Sunday, February 18, 2007

Valentine 2007


AT last, pagkatapos ng humigit-kumulang isang buwang preparation para sa Valentine's promo, natapos na rin ito and I'm proud to say na maayos ko naman itong naidaos! (Thank God!) Hindi ako inindiyan ng mga winners at ang pinakamahalaga, nag-enjoy sila sa kanilang dinner show sa Manila Hotel.
Though kasama ako that night, wala naman akong ka-date (how sad!). Anyway, I met someone naman na alone din sa same table na pinuwestuhan ko. She was friendly enough to talk to me kahit nu'ng gabing 'yun lang kami nagkakilala. (Thanks Cleng and I hope to see you again!)
Haaayyy...
Anyway, the show was great. Nag-enjoy kami sa mga performances nina Jo Awayan, Tuesday Vargas and Manny "Pooh"quiao. At ang the height ng performance nina Rachelle Ann Go at Christian Bautista, nu'ng kantahin nila ang The Prayer nina Andrea Bocelli at Celine Dion! (Kainis, bakit ba hindi man lang ako naambunan ng boses nila?)
Indeed, it was really A Valentine to Remember!

Saturday, February 03, 2007

Ikaw, Mahal Ko?

Tahimik ang buhay ko noon
Masaya kahit magulo
Pero nu’ng dumating ka
Nagkawindang-windang na.

Naging close tayo, naging magkaibigan
Okey lang, tutal kaibigan lang naman e
Wala namang masama ‘di ba?
Kaso nag-iba ang ihip ng hangin.

Nang minsan nag-usap tayo,
Sinabi mong mahal mo ako.
E, para ka palang luku-luko.
Alam mong ‘di puwede, ganu’n pa hirit mo.

Sabi ko sa sarili ko, ‘di puwede,
May mahal ako, may mahal kang iba,
Pero may pagkakapareho tayo,
Malayo sa atin ‘yung mga mahal natin.

Sabi ko pa, ‘di kita mamahalin,
‘Di mo ko mabobola,
E, kaso isa rin akong tanga,
Nagsimula tuloy ang problema.

Paulit-ulit kong sinasabi,
‘Di kita puwedeng mahalin,
‘Di puwedeng maging tayo,
Kaya kakalimutan ko na ‘yung nararamdaman ko.

May isa lang akong tanong,
Kung wala akong nararamdaman para sa iyo,
Bakit kita iniiyakan?
Ano sa palagay mo?

Saturday, January 20, 2007

'Yan ba ang hitsura ng "kinidnap"?

DAHIL 'di natuloy ang plano naming pag-akyat sa Bataan, sa Montalban na lang kami nagpunta last Sunday, January 14. As usual, kasama ko ang mag-asawang kidnaper (kidnaper dahil tututukan ka talaga nila para sumama ka) at for the first time, kasama na namin si Gem! Yipeee!

Pag-akyat pa lang, mapi-feel mo na talaga 'yung lamig. Umakyat kami ru'n sa tuktok at nagpakuha ng pictures. Kaya lang, sa sobrang lamig at malapit na ring gumabi, sandali lang ang picture-taking.

At first, mapilit pa si Gem na bumaba sa may falls. Hello? Nuknukan kaya ng lamig at 'di kakayanin ng powers ko, 'noh?! Isa pa, dalawang oras ang uubusin mo sa pagbaba ru'n at dalawang oras na naman para makabalik ka sa bahay. Maybe next time, 'pag 'di na kidnap ang ginawa sa akin nina Lanie at Erik at nakapag-ready ako ng swimsuit ko...hahahaha...

Kahit masarap matulog, hindi puwedeng tanghaliin sa pagbaba dahil may pasok ako sa office. As usual, ako na naman ang dahilan kung bakit kailangan nilang bumaba agad kahit gusto pa nilang mag-stay. Nakakahiya man sa kanila, hindi pa rin ako pumayag. Nakidnap na nga ako, male-late pa 'ko sa opisina?!

Hopefully, next time, mas matagal kaming mag-stay du'n. (Kelan kaya 'yun?)

Anne's farewell party...

PARANG children's party ang ginawa naming farewell celebration for Anne last January 15, sa bahay nina Janiz. With balloons and party hats, we felt like kids having a birthday party. He!he!he! Wala lang, trip lang namin maging bata...lagi. Well, I can say that it was somehow a way of unwinding from a tiring day. Whew!!!
Anyway, kahit malungkot dahil malalagasan na naman ng isa ang Editorial Angels (ilang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang umalis si Jack papunta sa Malaysia), I am happy for Anne na rin.
As for the rest of the gals, sino naman kaya sa atin ang susunod na bibigyan ng farewell party? At sino kaya ang magbibigay ng farewell party sa maiiwan? He!he!he!